Hukbalahap

 - Buhay Ng Gangsta

(Teku Pu)

Pumasok ng gangsta sa edad ko 14 years old

Tinanggap 30 second massacre mata'y blindfold

Halos sumabog ang shoulder tiklop ko parang folder

Hindi naman soldier, pero ang war is not over



Akin burn ay forever nasa magkabilang daliri

Mga tusok ng karayom marka ng mananatili

Alam kong mali, pero buhay ko dito naging makulay

Bala ang alay para saming mga kaaway



Ang mawalay sa minamahal ako'y nakahanda na

Matyempuhang Kalaban ang edad ihihinto na

Pero teka muna, ito ba'y katotohanan

Mabigat na katanungan ano bang pinaglalaban



Ng dahil ba sa gang ang buhay mo'y isasakripisyo

Kahit alam mong hahantungan kulungan o nitso

Ang peligro at banta sa buhay namin ay likas

Bawat luhang papatak bala ang katumbas



[Chorus]

Gusto mo ba na sumama

Saming mundo na madrama

Na may halong lungkot at saya at may kaba

Bala ang pang tubos sa sala ng iba

Ang kaligtasan sa isat-isa inasa

Yan ang buhay ng gangsta

Yan ang Buhay ng gangsta

Buhay ng gangsta



(Braduzz)

Lagi na lang umiinit ang aking ulo

O para bang gustong pasukin ang lahat ng gulo

Ang punlo lumalabas pag pumutok na ang baril

Ang pagiging "G" sa kalsada yan ang aking papel



Ako ay laging gigil kaya't minsan napapasabak

Sa away ng iba kaya't heto't napapahamak

Pero pag hinahamak umiiral na ang poot

Kundi suntok may tutumba na lang sa isang putok



Heto na ba ang sagot para masabi lang na "G"

Hindi KO to pinili pero bakit nagsisi

Ang tulad KO pano kung kunin Mo na ako,

Sino na lang tititngin sa mga maiiwan KO?



Kaya't nagsusumamo pakinggan aking dalangin

Ang tamang daan ay ituro mo sa akin

Ng akin pang Makita pag bukang liwayway

At darating din ang oras kamay ko ng kumakaway



[Chorus]

Gusto mo ba na sumama

Saming mundo na madrama

Na may halong lungkot at saya at may kaba

Bala ang pang tubos sa sala ng iba

Ang kaligtasan sa isat-isa inasa

Yan ang buhay ng gangsta

Yan ang Buhay ng gangsta

Buhay ng gangsta



(Sacred One:)

Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol

Dose anyos ang laro sa mga lespu magpahabol

Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran

Pinagarap na lahat ng gang ay mapang ibabawan



Habang di na alintana ang mga tao'y lumipas

Tumandang walang tinapos tila nagsayang ng oras

May mga tropang nangulungan at ibang di na lumutang

May mga nagbuwis ng buhay at naging pambayad utang



Ngunit tinuloy KO parin ang laban hanggang makilala

Ang pangalang O.G Sacred parang mayor ng manila

Hinawakan ang corquera permanent at ugbo

Tunay na ninong ng velasquez at roxas sa tundo



Nakipagsabayan sa mga hamon, humantong man sa patayan

At walang tigil na putukan ang ganti pag nalagasan

Ngunit isang katanungan ang naglalaro sa isip KO

Ito ba ang buhay na dapat manahin ng panganay KO.



[Chorus]

Gusto mo ba na sumama

Saming mundo na madrama

Na may halong lungkot at saya at may kaba

Bala ang pang tubos sa sala ng iba

Ang kaligtasan sa isat-isa inasa

Yan ang buhay ng gangsta

Yan ang Buhay ng gangsta

Buhay ng gangsta



2x

Pažymėti kaip netinkamąSiųsti dainos žodžius draugui
Pažymėti kaip netinkamą
Komentarai
Vardas:
Komentaras:
Saugos kodas: saugos kodas
Įveskite saugos kodą:
 
Komentarų nėra
Hey.lt - Interneto reitingai, lankomumo statistika, lankytoju skaitliukai